“Hawakan mo nang mahigpit kamay ko” Ito ay isa sa mga gusto nating marinig galing sa taong mahal natin. Kung sa iba normal lang ito pero sa taong nagmamahalan malaking bagay ito. Lalo na kapag bigla na lang niya hahawakan ang kamay mo tapos bigla siyang ngumiti. Wala kang magagawa kundi kiligin at hawakan nang mas mahigpit ang kamay niya. Pag magkahawak kasi ang kamay niyo feeling mo safe ka kapag kasama mo siya. Feeling mo importante ka. Lalo na kapag sa public pa niya hinawakan ang kamay mo ibig sabihin nun proud siya dahil ikaw ang boyfriend/girlfriend niya.