Wag kang tanga please. Ang dami dami na ngang tanga eh, dadagdag ka pa. Kung hindi ka niya mahal TAMA NA, STOP NA. Hindi ka nga mahal eh bakit ka pa lalaban. Kahit anong gawin mong pagsasakripisyo para mapansin ka niya. Balewala lang. Tapos paselos ka ng paselos. Ang tanong nagseselos ba siya? Ni hindi ka nga ata napapansin ng taong yun eh. Tapos sasabihin mo pa “Kung saan siya masaya, masaya na din ako.” Wow ha. Congratulations. Isa kang dakilang tanga.