Monday, April 16, 2012

Hirap na hirap na ako sa problema kong ito. Parang kahit anong gawin ko ikaw at ikaw pa rin ang naiisip ko. Parang akong tanga dahil nangingiti ako sa twing naiisip kita. Naiisip ko palagi ang ngiti mong nakakamatay. Ang tawa mong nakakainis. Ang buhok mong parang pugad ng ibon. At ang boses mong sweet.. Beer ka siguro ang lakas kasi ng tama ko sayo eh.

Naiisip mo rin kaya ako? Gaya ng ginagawa ko araw araw sayo? Siguro hindi no. Alam ko naman na busy ka sa buhay mo eh. Okay lang naman kahit dmo ko araw-araw maisip pero sana lang maalala mo naman ako itxt :'( Kahit simpleng Hi lang.