kung siya na ‘yung taong tanging nagpapasaya sa’yo at makasama mo lang siya, buo na agad ang araw mo, wag na wag mo na siyang hahayaang mawala sa mga paningin mo. dahil maswerte ka at natagpuan mo ang isang taong totoong nagmamahal sa’yo - ang taong tinatawag na iba na soulmate. dahil ‘yung iba, never na nila matatagpuan ang soulmate nila sa buhay nila dahil maaaring patay na ‘yung soulmate nila. kahit sa next life, malaki ang chance na ganun din ang mangyari sa inyo. kaya habang masaya kayo, itresure ninyo ang bawat sandaling magkasama kayo.