Thursday, April 12, 2012

Love Lessons ni Bob Ong
  1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”
  2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
  3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
  4. “Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
  5. “Parang elevator lang ‘yan eh, bakit mo pagsisiksikan ‘yung sarili mo kung walang pwesto para sa’yo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
  6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sa’yo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.”
  7. “KaPag may mahal ka at ayaw sa’yo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw, ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
  8. “Hiwalayan na kung hindi ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
  9. “Kapag hindi ka mahal ng mahal mo huwag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”
  10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga ‘yung una.”