Tuesday, April 17, 2012

Mabilis akong magkagusto o mainlove sa tao. Hindi ko rin alam kung bakit. Konti gawa lang sa akin ng mga sweet na bagay. Konting asar asar niya sa akin. Konting chikahan lang. Lalo na kapag lagi niya akong napapatawa. Ako kasi yung tao na hindi rin naitatago sa mga kaibigan kung sino ang crush ko gusto ko lagi kong sinasabi sa kanila. Kaya hindi rin nagtatagal nalalaman din ng crush ko na crush ko siya. Tapos lagi na kami aasarin, tapos nun maiinlove na ako. At dun na nga magsisimula pag-assume, pag-expect hanggang sa masaktan na ako.