Thursday, April 12, 2012

Gusto ko ganitong Boyfriend♥

MAALAGA, at SWEET: Yung tipong kayang magsabi ng “I Love You” kahit marinig pa ng buong mundo ito. Wala siyang pake kahit anong sabihin sa kanya ng ibang tao, proud na proud kapag hawak niya ang kamay mo, na kulang nalang eh di ka bitawan.


NAGSESELOS: Bigla na lang hindi kikibo tapos ayaw umaming nag seselos na pala. Tatanungin mo kung bakit pero di aamin, tapos bigla biglang, “sapakin ko yung lalaking yon eh, dikit ng dikit sayo”, ayaw na ayaw niyang may dumidikit o nakakakitang may lalaking mag tatake advantage sayo, lalo na kapag feeling niyang may gusto sayo yung lalaki.


SUPLADO sa IBA: Sayo lang siya nakatingin, na kahit may magandang makita ay ikaw lang at hindi nya ito papansinin, wala siyang pake sa kahit sino mang maganda at sexy na dumaan sa harap niya, dahil ikaw lang, panalo na para sa kanya.


HINDI MASYADO MA-PRIDE at MAY MAHABANG PASENSYA: Lalo na kapag may tampuhan kayo, kahit hindi nya kasalanan, mag sosorry at uunawain ka niya. Iintindihin ang pagiging immature mo, kahit na topakin kapa, at lageng nag susungit, di kapa rin iiwan.


PROTECTIVE: Ayaw na ayaw niyang may bumabangga o nananakit sayo. Lalong ayaw ka niyang uuwe ng masyadong late, o di kaya, ag suot ng maiikling short o hanging blouse, ayaw ka kase niyang makitaan ng iba.


MAY TIWALA: naniniwala sa bawat sinasabe at ginagawa mo. Susuportahan ka sa kahit anong bagay, kase alam niyang kaya mo.


MINAHAL KA NG SOBRA: kahit pa masyado kang moody at matigas ang ulo, still nandyan paren siya at di ka iniiwan. Minahal kaparen kahit ano pa man ugali meron ka.