Mga bagay na walang kasiguraduhan. Mga bagay na hindi mo malaman at maintindihan. Mga bagay na hindi mo alam kung ano ang kalalabasan kasi ang pag babago ay hindi mo mapipigilan. Mga pangyayaring hindi mo alam ang maaaring kalalabasan at kahinatnan.
Kasiguraduhan kung sasaya ka ba o hindi. Kung makukuntento ka sa kung anong meron ka. Mahirap yun, dahil sa buhay iniisip natin sa kung saan tayo sasaya, syempre dun tayo. Pero hindi natin yun malalaman kung hindi susubukan, kung hindi tayo mag ririsk. Kaya pumapasok tayo sa sitwasyong hindi natin alam ang kahihinatnan.
Lahat naman ng bagay walang kasiguraduhan, kasi wala namang permanente. Sabi nga diba “Change is the only constant thing in life”. Yung taong mahal ka ngayon, bukas hindi na. Yung kaibigan mo ngayon, pwedeng kaaway mo na bukas. Hindi natin malalaman. Hindi natin maiiwasan at mapipigilan ang mga pagbabago.
Sa huli pag nangyari ito, na stuck ka sa sitwasyong hindi mo na maintindihan at magulo na. Laksan mo lang ang loob mo. Tiwala lang. Harapin mo. Kasi dapat sa huli maging positive pa din tayo. Maging matatag lang.