Thursday, April 12, 2012

• Nararamdaman mo kapag yung boyfriend mo may kasamang iba.
• Kapag kapatid mo mahal ng magulang mo, ikaw hindi.
• Kapag yung kaibigan mo palihim na nilalandi boyfriend mo
• Kapag naiingit ka sa isang taong maganda.
• Yung siya buong araw binibigyan ng atensyon, ikaw hindi.
• Tuwing nakikita mo siyang nakangiti dahil sa ibang tao.

Isa diyan ang nararamdaman ko. Hahaha. Bwisit na SELOS yan. Ba’t ba naimbento pa yan? Kung nakakamatay lang talaga ang selos eh madami nang namatay at bulok sa kabaong at isa na ako dun. Lakas ng trip ng selos eh. Pag nararamdaman mo, bigla nalang iinit ulo mo. Hahaha. Hindi maiiwasan na magselos, kayo man o hindi. Hindi din ‘to karapatan, dahil kahit kelan pwede natin to maramdaman. Masama bang maramdaman ‘to? Bakit? Mapipigilan ba yan? Kayo man, o hindi.. may karapatan ka pa din. Pero yung totoo, BWISIT na selos yan. Hindi na ba talaga pwede mawala yan? Ano bang dapat gawin mawala lang ‘to? Hahaha. Para sa mga nagseselos, keri nyo yan. Mawawala din yang pagseselos nyo.