Minsan talaga hindi natin maiwasan hindi mag assume. Kahit malayo sa katotohanan nag aasume pa rin tayo. Lalo na kapag inlove ka. Bawat ginagawa niya na kahit wala namang kakulay kulay nilagyan mo pa rin ng malisya at nag aasume na baka gusto ka rin niya. Siguro talaga parte na ng buhay ng tao ang mag assume. Korni at Boring din naman kasi kung hindi ka magaasume. Pero minsan sumosobra na tayo sa pag-aasume kaya sa huli masasaktan tayo.