Tuesday, April 10, 2012

Mabilis akong magkagusto o mainlove sa tao. Hindi ko rin alam kung bakit. Konti gawa lang sa akin ng mga sweet na bagay. Konting asar asar  niya sa akin. Konting chikahan lang. Lalo na kapag lagi niya akong napapatawa. Ako kasi yung tao na hindi rin naitatago sa mga kaibigan kung sino ang crush ko gusto ko lagi kong sinasabi sa kanila. Kaya hindi rin nagtatagal nalalaman din ng crush ko na crush ko siya. Tapos lagi na kami aasarin, tapos nun maiinlove na ako. At dun na nga magsisimula pag-assume, pag-expect hanggang sa masaktan na ako.

Gaya nalang nung kay Jason. Hahaha. Putek tong mokong na to. Nafall ako sa knya dahil sa pagsasabi nya ng sweet messages. Sa totoo nga lang si Arianne lang at Mami Ada yung nakakaalam eh tapos ayun kumalat na bwhaha edi no choice nko. Wala nko magawa umamin nalang ako na sya nga :D Hanggang sa inasar asar nko lalo na't andun kame sa room nla. Merge kasi ang Galileo at Einstein eh. Kaya wala akong magagawa. Ako naman ayun nangiti nalang sa isang tabi hehe.