Thursday, April 12, 2012

Ang tunay na lalaki, hindi mapakali kapag umiiyak ang GF niya.

  • Na biglang titigil sa gitna ng away.
  • Di nalang siya iimik para di na masaktan si gf at di umiyak ng sobra.
  • Yayakapin niya at pupunasan ang luha.
  • Mag sosorry at mag papakumbaba.

Yung lalaking pag umiyak na ang babae, bigla bigla nalang lalambot ang puso, kahit sobrang asar at ines ren siya, mag papakumbaba nalang siya at di na sasabay pa. Tatanggapin nalang niya lahat lahat ng salitang ibabato sa kanya ng gf niya.

Once na makita ng lalaking umiyak na ang babae, parang may kirot yang mararamdaman. Lalo na kung talagang mahal na mahal niya ito, para bang maiines pa siya sa sarili niya kase napaiyak niya si babae.

Ang sarap mahalin ng lalaking, kahit na marame kanang masasakit na salitang naibato o nasabe sa kanya, napaiyak ka man niya, yakap niya lang, alam mong nag sisisi at nag sosorry na siya. Yung tipo ng lalaking, kahit gaano siya kasuplado o kasungit sa iba, pagdating sayo, parang nagiging mamon na ang puso niya, lalo na, pag nakita niyang, may luha ng lumalabas galing sa mata mo.