Thursday, April 12, 2012
May ganoong side ang mga babae. Minsan, hindi naman kailangang bongga ang gawin para sa babae. Hindi naman kailangang gastusan nang sobra ang babae, hindi kailangang palaging bilhan ng mamahaling gamit. Nakaka-appreciate ‘yan ng simpleng bagay. Minsan kasi, mababaw lang din ang kaligayahan ng babae. Hawakan mo lang bigla ang kamay niyan, o yakapin mo lang bigla, mapapangiti na ‘yan, kikiligin. Sulatan mo ng tula o ng anumang sulat basta galing sa puso mo ang nilalaman, mapapa-aww na ‘yan, kikiligin na ‘yan. Kahit na anong simpleng bagay, lalo na kung hindi inaasahang simpleng bagay, ikatutuwa na niyan. Ang mahalaga naman kasi talaga, eh ‘yung sinseridad mo sa bawat bagay na ginagawa mo para sa kanya. Mararamdaman naman ng babae ‘yon e, promise.