Thursday, April 12, 2012

Crying

Ba’t ganun? Pag umiiyak ang tao, sinasabi ng ibang tao na “Weak naman nito.” o kaya naman “Iyakin mo naman!”. Porket umiiyak, weak at iyakin na agad? Naniniwala ako sa quote na “Crying doesn’t make you weak. It just makes you tired of being stronger.” Yung iba din naman kasi, may tinatago talaga. Tinatago yung luha nila, at pinapalitan nalang ng ngiti. Saludo ako sa mga ganun. Yung tipong hindi nya nagagawang umiyak kahit sobrang dami niyang problema eh. Ako kasi, pag sobrang dami na ng problema ko, umiiyak na ako ng sobra. Patago nga lang. Pag nakita mo akong umiyak sa school o kahit san mang lugar, ibig sabihin nasaktan talaga ako sa ginawa mo. Kung iyak talaga. Madalas kasi teary-eyed lang. Kaya ayun, sa mga taong nagagawa pang pigilan ang iyak nila, kaya nyo yan.


Umiiyak tayo hindi dahil mag-drama at kung ano ano lang. Minsan, nakakatulong din ang pagiyak kung gusto natin sumaya. Pag umiyak ka kasi, feeling mo nakakalimutan mo na ang lahat. Sa pagiyak mo. Minsan, wala talagang nagagawa ang pagiyak pero ayun lang ang tanging magagawa na’tin. Kung ano man yung problema na yun, nangyari na yun eh. Kaya wala kang magagawa kundi umiyak nalang. Alam mo kasi, wala din magagawa yang pagpretend na masaya ka. Na kaya mong ngumiti, kaya ibuhos mo lang lahat ng nararamdaman mo sa pag-iyak. Mas mabuti pa yun kesa pakita mo sa lahat na masaya ka, kahit hindi naman. Kung pagod ka na sa pagpanggap, edi magpakita ka na ng totoo.