Thursday, April 12, 2012

Panira

Hindi ko alam kung ang intensyon ng mga taong panira. Panira sa lahat ng mga bagay. Unang una dyan yung mga panira sa pagmamahal, yung tipong nangsisira ng relasyon. Oo, masakit makita yung mahal mo, may mahal ng iba.. Pero di mo kailangan sirain ang relasyon nila. Malaking bagay ang mawawala sakanila pag ganun. Sunod, panira sa pagkasaya ng isang tao.. Yung tipong masaya at kuntento ka na naman sa isang bagay, pero may isang tao diyan na bigla ka nalang papalungkotin at kung ano ano ginagawa para maging malungkot ka ulit. Yung kelan ka masaya, tsaka may epal na kokontrabida. May mga panira din sa pagkakaibigan. Parang sa relasyon lang din.

Ano ba intensyon talaga nila at bakit ganyan sila ng ganyan? Minsan sila din ang mga rason kung bakit may isa pang tao ang umiiyak yet sinasabi nila na ayaw nila makielam at makasakit. Kung alam mo ng masaya ang isang tao, wag mo na lang pakielaman at hayaan mo siya maging masaya. Wag ng kumontra kung pwede lang.