Saturday, April 14, 2012

Pahalagahan mo kung iyo pa, hindi yung hahabulin mo kung kailan wala na.

Madalas ang tao, di mo maintindihan. Pag nasa kanya na, marame pa siyang hinahanap. Di nakukuntento. Pero pag dumating sa puntong nawala na, at napunta na sa iba, dun lang makikita ang kahalagahan at importansya.

Para bang, nasa kanya na, hinayaan niya pang makuha ng iba. Tipong hawak na niya, pinabayaan niya lang bumitaw at bumigay.

Tapos sa huli, hahabol habol, dun palang nag sisink in na nawalan siya ng isang napakahalagang tao sa buhay niya. Pano kase, ang lakas ng apog, napaka kampante sa posisyon na meron siya.

Guys, kung mahal niyo ang isang tao, wag niyo silang balewalain, wag niyong hayaang dumating sa puntong mag sawa at mapagod sila ng sobra sobra sa inyo. Everyone has a breaking point, lahat tayo may kanya kanyang hangganan. Lahat tayo may tendency mapagod at magsawa, lalo na kung di naten nakikitang, pinapahalagahan lahat ng effort at ginagawa naten.

Tao lang naman tayo eh, kahit pa sobrang prone na tayong masaktan, dadating din sa point na, gusto na nating sumuko, hindi dahil sa wala na tayong nararamdaman, kundi sa, tayo na mismo ang naaawa sa mga sarili nating posisyon. Wala ng kasiyahan, puro pasakit nalang.