Sunday, April 15, 2012

Tandaan mo, ang tao hindi yan lugar na pwede mong balik- balikan pagkatapos mong iwanan.

Ano yan pusa? pag katapos mong iligaw, hahanap hanapin at babalikan mo?

Kung kelan masaya na yung tao tsaka ka susulpot, tsaka ka magpaparamdam na as if parang walang nangyare? Na normal na ang lahat? Ganon?

Ang swerte mo naman pala.

Pero, wag kang kampanteng babalik at babalik yan sayo. Minsan mo na siyang sinayang eh, minsan mo narin siyang ginago at pinag laruan, tingin mo matatanggap kapa niya ulet ngayong masaya na siya sa iba?

Wag kampante dre. Oo, minahal at iniyakan ka niya ng sobra noon, halos mamatay na nga ren siya dahil dinala mo na lahat eh, pag katapos mong iwan at saktan babalik ka? Wow, galing lang no? Pero isa lang ang masisigurado ko sayo, kahit anong pag mamakaawa mo dyan, kung naging bato na ang puso niyan, di ka niyang kayang tanggapin pa. Ngayon pang may iba ng nag papasaya sa kanya? Tingin mo worth it kang i-keep pag katapos mo siyang pag laruan?

Malamang, by now, mas alam niya na kung ano ang pag mamahal na nararapat para sa kanya, at lalong alam na niyang hindi ikaw ang makakapag bigay non sa kanya. Dahil, kahit noon pa man, dikana naging deserving para sa kanya.